Friday, April 16, 2010
Sexbomb - Bilog na Hugis Itlog
Click here to watch the video..
Dahil sa MTV ng Sexbomb: Kaalaman sa automated polls inaasahang tataas
MANILA – Kumpiyansa ang ilang mambabatas na tataas ang kaalaman ng mga Pilipino sa kauna-unahang automated elections sa bansa sa tulong ng ipinalabas na MTV ng Sexbomb dancers tungkol sa modernong paraanng pagboto.
Pinuri nina Reps. Juan Edgardo Angara (Aurora) at Neri Colmenares (Bayan Muna), ang GMA Network na gumawa ng voters educational video ng SexBomb dancers na nagtuturo sa paraan ng pagboto at pagpili ng kandidato sa darating na eleksiyon.
“Mabuti pa ang Sexbomb girls naglabas ng kanilang educational video on elections. Mabuti pa siguro ipalit na lang natin sina Rochel at Jopay sa kung sino man ang nangangasiwa ng voter’s education ng Comelec (Commission on Elections)," pahayag ni Colmenares.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia tungkol sa kaalaman ng publiko sa modernong paraan ng halalan, lumitaw na 61 porsiyento o anim sa bawat 10 Pinoy ang konti o lubos na walang alam ang tungkol sa magiging sistema ng eleksiyon sa Mayo 2010.
Nakasaad sa survey na ginawa noong Oktubre 22 – 30, lumitaw na 13 porsiyento lamang sa 1,800 na tinanong ang may lubos na kaalaman sa poll automation. Samantal, 26 porsiyento ang may “sufficient" knowledge; at 61 porsiyento ang may “konti hanggang sa lubos na walang nalalaman" sa modernong pagboto.
Ngunit sa tulong ng educational video ng Sexbomb (May Bilog ang Hugis Itlog), kumpiyansa si Angara na makakatulong ito ng malaki para malaman ng publiko na hindi na mano-mano ang bilangan at hindi na rin kailangang isulat ang pangalan ng mga ibobotong kandidato.
“Okay lang naman since there are still six months to go (before elections). Wwhat is important is that the Comelec begins its information campaign in the new automated system of elections. Magandang bagay din yung ginawa ng GMA 7 na may sumayaw (na Sexbomb girls," paliwanag ni Angara.
Maging si Isabela Rep. Girgidi Aggabao ay nagpahayag na walang dapat ikabahala kung nanatiling mababa ang kaalaman ng publiko sa proseso ng bagong sistema ng eleksiyon.
“When the campaign for local polls kick in, voters education will come as a matter of course because the new system of voting will surely be discussed from barrio to barrio by candidates of all colors," paliwanag niya.
Upang maturuan ang publiko sa modernong sistema ng halalan, sinabi ni Colmenares na dapat kumilos na kaagad ang Comelec sa mga inihaing petisyon para sa pagdaraos ng seminar tungkol sa bagong paraan ng paboto.
Para naman kay Makati City Rep. Teodoro Locsin Jr., pinuno ng House committee on suffrage and electoral reforms, mas higit na magiging mapanganib sa bansa kung mananatili sa mano-manong sistema ang halalan na itinuturong dahilan ng dayaan sa eleksiyon.
“No, it is not alarming," tugon ni Locsin sa survey ng Pulse Asia. “Without automation, expect massive cheating."
By: GMA News.TV
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment